Political rally, nagdulot ng perwisyo sa mga commuter at trapiko sa C5 Taguig

Nagdulot ng perwisyo sa trapiko ang ikinasang kilos protesta ng mga taga-suporta ng natalong Taguig City mayoral candidate Arnel Cerafica kahapon.

Pasado alas-5:00 ng hapon ay natipun-tipon na ang mga raliyista at hinarang ang C5 road malapit sa bahagi ng Diego Silang para magprotesta.

Nagdulot ito ng matinding tukod ng trapiko hanggang kaninang madaling araw.


Maraming pasahero ang nahirapang umuwi habang ang iba ay na-late sa kani-kaninang trabaho.

Si Cerafica ay natalo sa kanyang katunggaling si Lino Cayetano sa pagka-alkalde ng Taguig.

Facebook Comments