Pro-China policy ng Duterte admin, dapat mabaligtad pagkatapos ng halalan – Del Rosario

Nanawagan si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa mga Pilipino na iboto ang susunod na lider na may maayos na pamamahala at may paninindigan at kayang baligtarin ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinapaboran ang China.

Ayon kay Del Rosario, ang West Philippine Sea ay isang mahalagang national at international issue na nangangailangan ng atensyon at tulong ng buong bansa.

Dapat ikonsidera ng mga Pilipino na “primary concern” ang usapin sa nalalapit na botohan.


Ang isyu sa WPS ay paglaban sa kung ano ang ‘atin’, pakikibaka para sa dignidad ng bansa, at tungkol sa epektibong liderato at pamamahala.

Hindi katanggap-tanggap na binalewala lamang ni Pangulong Duterte ang 2016 The Hague Arbitral Award kapalit ang mga loan at proyekto na ipinangako ng China.

Mas niyayakap pa ng pangulo ang China kaysa sa interes ng bansa at ng mamamayan.

Facebook Comments