Nagkaroon ng forum ang Pro-life Baguio na pinangunahan nina Dr.Benito Sunga, Linda Esposito at Alex Manongdo kaninang 10:30 ng umaga hanggang 12pm sa Bishops residence CRC Hall, Baguio City.
Tinalakay dito ang tungkol sa divorce, abortion, family planning,homosexual marriage, atb.
Ipinaliwanag ni Dr. Benito Sunga ang mga negatibong epekto ng paggamit ng Inter Uteranal Device (IUD), pills, at injectables na kung saan mayroon itong secondary at tertiary effects sa mga babae.
Dinagdag pa dito na ang paggamit ng pills ay kabilang na chemical abortion sapagkat pinipigilan nito ang pagkabuo ng bata sa sinapupunan ng Ina.
Ipinaliwanag din nila ang pagkakaiba ng Natural Family Planning at Artificial Family Planning na kung saan may mga alternatibong paraan para hindi na kailangang gumamit ng pills at contraceptives.
Magkakaroon ng Walk for Life sa April 28, 2018 alas otso ng umaga at ang mga sasama ay magtitipon sa University of Baguio Gym.