PRO-PEOPLE | Bubuuing saligang batas, pipigilan ng Pangulo kung makikitang hindi ito para sa mamamayan

Manila, Philippines – Inihayag ni Chief presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na handa si Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang planong pagpapalit ng saligang batas.

Ito ang sinabi ni Panelo sa kanyang pagtayo bilang isa sa mga resource person sa Public Hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments.

Ayon kay Panelo, sa isang cabinet meeting ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan tiyakin ng mga mambabatas na magiging malaki ang benepisyo sa sambayanang Pilipino ng kanilang bubuuing bagong saligang batas.


Sinabi aniya ng Pangulo na sa oras na makita niya na hindi paborable para sa mga Pilipino ang bagong saligang batas ay handa niyang labanan ito.

Ikakampanya pa aniya ni Pangulong Duterte para hindi maratipikahan ang bagong saligang batas kinakailangan.

Facebook Comments