Pinatututukan ni Health Committee Chairman Senator Christopher “Bong” Go kay Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga programa ng ahensya para sa mga mahihirap na kababayan.
Binigyang diin ni Go ang kahalagahan na matutukan din ng Department of Health (DOH) ang pangangailangang pangkalusugan ng ating mga mahihirap na kababayan.
Hiling ng senador ang pagpapalakas sa “pro-poor programs” na makakatulong sa mga mahihirap lalo na ang mga kababayang ‘hopeless’ at ‘helpless’ na walang ibang matatakbuhan kundi ang mga Pilipino.
Dagdag dito ay pinaaaksyunan din ni Go kay Sec. Herbosa na ibigay na ang nararapat na benepisyo sa healthcare workers na walang kapagurang nagsilbi sa bansa sa kasagsagan ng pandemya.
Ikinalugod naman ng mambabatas ang pagkakatalaga kay Herbosa sa DOH na aniya’y may malawak na kaalaman at karanasan lalo’t nagsilbi ito bilang adviser noong panahon ng COVID response period sa ilalim ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.