Mas pinaigting ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang kanilang kampanya laban sa mga loose firearms.
Sa isang linggong serye ng operasyon sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon, nakakumpiska ang tanggapan ng kabuuang 11 na baril mula sa sampung naarestong suspek.
Walong baril ang nakumpiska, dalawa ang kusang isinuko, at isa naman ang idineposito para sa safekeeping sa ilalim ng pinaigting na “Oplan Katok” ng PRO1.
Bukod dito, apat na unexploded ordnance (UXO) rin ang narekober.
Ang pinaigting na kampanya ay bahagi ng patuloy na kampanya ng tanggapan upang labanan ang ilegal na pagdadala at paggamit ng baril, bilang hakbang tungo sa mas ligtas at mapayapang pamayanan.
Facebook Comments









