PRO2, Mahigpit na Ipapatupad ang Election Gun Ban!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City – Nagbigay na ng direktiba ang pamunuan ng Police Regional Office 2 sa lahat ng Provincial Directors at City Directors sa mahigpit na pagpapatupad ng election gun ban sa pamamagitan ng pagsasagawa ng comelec checkpoints sa buong Cagayan Valley.

Sa ibinahaging impormasyon ni Police Superintendent Chevalier R. Iringan, Chief Regional Public Information Office, na nagsimula na nitong hating-gabi, April 14, ang gun ban o checkpoints sa buong rehiyon dos.

Ayon pa kay Information Officer Iringan, ang derektiba ay bahagi ng pagpapatupad sa patakaran atalituntunin ng comelec upang masigurado ang kaligtasan at maayos na Barangay at Sangguniang kabataan elections.


Kaugnay nito nagbigay din ng paalala si PRO2 Regional Director, Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino sa lahat ng kapulisan lalo na ang mga magsasagawa ng checkpoint na maging istrikto na ipatupad ang bagong alituntunin ng comelec upang maiwasan ang anumang problema sa mga susunod na araw.

Magtatalaga ng sapat na bilang ng kapulisan sa bawat checkpoints lalo na sa mga lugar na nasa watch list at obligado rin ang kapulisan na magtungo sa mga barangay level upang maitala agad ang anumang pangyayari sa lugar na kanilang nasasakupan.

Facebook Comments