*Cauayan City, Isabela- *Patuloy ang ginagawang pagbibigay ng tulong ng kapulisan sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Ramon sa Lalawigan ng Cagayan.
Una rito, nagkaloob ng mga relief goods sa Bayan ng Sta. Ana na isa sa mga lubhang nakaranas ng pananalasa ng bagyo.
Pinangunahan ng mga kapulisan mula sa pangrehiyong tanggapan ng Regional Community Affairs Service (RCADD) and Provincial Community Affairs and Development Branch ang pamamahagi ng ilang pangunahing pangangailangan ng mga residente sa evacuation center gaya ng pagkain, mga damit maging inumin upang maibasan ang kanilang gutom at maiwas sap ag iisip sa kanilang nararanasang walang humpay na sakuna sa kanilang bayan.
Tiniyak naman ni P/BGen. Angelito Casimiro na magpapatuloy ang pagtulong ng kanilang hanay sa mga apektadong pamilya lalo na sa mga nakaranas ng malawakang pagbaha sa lugar.
Batay sa pinakahuling talaan ng PRO2 Incident Command Center ang ilang lugar na nananatiling hindi madaanan ay ang Brgy Silagan Road, Allacapan; Tawi Bridge, Penablanca; Balagan-Abariongan Ruar Brgy Road, Sto Niño; Teresa Avenue, Tuguegarao City; and Brgy Patunungan Road, Sta Ana. While in Isabela province, Cabagan-Sto Tomas Cansan Overflow Bridge; Sta Maria Cabasirag Overflow Bridge are still not passable.
Sa kabilang banda, ang Divilacan Road ay hindi pa rin madaanan dahil sa naitalang pagguho ng lupa.
*tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, PRO2, P/BGen. Angelito Casimiro, *Regional Community Affairs Service (RCADD) and Provincial Community Affairs and Development Branch, Cagayan Province, Cauayan City, Luzon