PRO2 Regional Director Jose Mario Espino, Hinimok ang mga napromote na pulis na Linisin ang mga “Ninja Cops” sa hanay ng PNP!

*Cauayan City, Isabela- *Hinikayat ni PRO2 Regional Director Jose Mario Espino ang lahat ng mga napromote na pulis kahapon na panindigan ang kanilang pagtaas ng ranggo bilang mga alagad ng batas at makiisa sa pagtanggal sa mga pulis na sangkot sa droga.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, nasa pitongdaan at apatnapu’t siyam na pulis dito sa rehiyon dos ang napromote dahil sa kanilang ipinakitang kasipagan at nagawang accomplishments bilang pagsisilbi sa taumbayan.

Hinimok pa ni Regional Director Espino ang lahat ng mga pulis na doblehin ang kanilang pagsisikap at gawin ang kanilang mga responsibilidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan dito sa ating rehiyon.


Umaasa naman ang nasabing opisyal na walang mga pulis ang kabilang sa mga sinasabing “Ninja Cops” o mga pulis na nasasangkot sa iligal na droga subalit hindi pa rin umano ito kumpiyansa kaya’t hinamon rin nito ang lahat ng mga pulis na makiisa sa layunin ng ating Pangulo na malinis ang mga tinatawag na ninja cops sa ating bansa.

Kaugnay nito ay mayroong inaalok na pabuya ang Pangulo na sampung milyong piso para sa sinumang makakapagturo o makapagdadala sa kanya ng bangkay ng isang ninja cops.

Facebook Comments