Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLTCOL. Efren Fernandez II, Chief PIO ng PRO2, layunin nito na mapanatili ang ligtas na botohan sa Mayo 9.
Kasalukuyan pa rin aniya na naghihintay ng abiso mula sa Commission on Election ang pulisya kaugnay sa mga lugar na matutukoy na hotspot ngayong panahon ng eleksyon.
Sa kabila nito, tiniyak pa rin ni Fernandez na magtutuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay sa mga lugar na nauna nang natukoy na election hotspot sa mga nakalipas na halalan.
Gayundin, tututukan nila ang ilang mga lugar sa rehiyon para masigurong payapang maidaraos ang halalan.
Kabilang sa mga binabantayan ng kapulisan ang ilang bayan sa Isabela at mga karatig probinsya na bahagi historical data ng kapulisan.
Samantala, alinsunod naman sa COMELEC resolution 10732, mahigpit na ipinagbabawal ang face-to-face campaigning kung walang permiso mula sa National hanggang Municipal Committee na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ayon pa sa Chief PIO, mahigpit na ipinagbabawal ang panghihikayat ng isang indibidwal sa mga kandidato o party na magdaos ng anumang uri ng pangangampanya sa mga kabahayan ng wala pa ring permiso mula sa COMELEC alinsunod pa rin sa kautusan ng komisyon.
Patuloy naman ang koordinasyon ng PRO2 sa COMELEC para sa mapayapang halalan 2022.