Suspek sa TikTok death threat kay Bongbong Marcos, iniharap ng NBI

1598

Iniharap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa TikTok death threat kay Bongbong Marcos o BBM.

Sa press conference, sinabi ni Ruel ‘Bong’ Ricafort na hindi rin siya ang nag-post sa social media ng umano’y assassination plot.

Napilitan siyang lumantad matapos mapanood ang nag viral na video ng planong pag-assassinate kay BBM.


Itinanggi ni Ricafort na may galit siya kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Nang tanungin kung anong grupo siya kabilang, sinabi niyang miyembro ng Biker’s for Leni.

Nilinaw ni Justice Sec. Menardo Guevarra na person of interest lang si Ricafort kung kaya’t walang isasampang kaso laban sa kaniya.



Hindi rin njya nilinaw kung ilalalagay sa kustodiya ng NBI si Ricafort.

Aniya, mas malaliman pa nilang sisiyasatin ang naturang assasination plot.

Facebook Comments