Binigyang puri ngayon ng Department of Environment and Natural Resources ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan dahil sa pagbibigay ng pamahalaan ng importansya at sa muling pagbuhay sa industriya ng asin sa lalawigan.
Ayon sa naging mensahe ng Kalihim ng DENR na si Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ipinaabot ni DENR Undersecretary Juan Miguel Cuna, sa pangunguna ng mga matataas na opisyal ng lalawigan dahil sa muling pagbuhay sa industriya ng asin na isa sa pangunahing produkto ng probinsya.
Dagdag pa nito na ang pagbabagong-buhay ng industriya ng asin ay isang natatanging kontribusyon sa pambansang talakayan tungkol sa national self-sufficiency. Ikinararangal umano nila na magtulungan upang matiyak ang pag-unlad at pagpapanatili ng industriya ng asin sa bansa.
Inihayag ito matapos ang Pangasinan Pista’y Dayat Commemorative noong unang araw ng Mayo sa Capitol Beachfront, Lingayen, Pangasinan.
Samantala, nagbigay naman ng pasasalamat ang gobernador na si Gov. Guico ang lahat ng nagpa-abot ng tulong para maabot ang katagumpayan ang selebrasyon ng Pista’y Dayat.
Bilang parte ng programa, isinagawa ang Ceremonial Distribution ng iba’t ibang Paraphernalia na magagamit sa pangingisda ng mga Marginalized Fisherfolk Associations and Fish Processors bilang suporta sa livelihood assistance project ng pamahalaang panlalawigan.

Facebook Comments