Nagpaabot ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng tulong pinansyal para sa mga lubhang nasalanta ng severe tropical storm na si “Paeng” noong Oktubre 29 ng nakaraang taon.
Sa isang pahayag na inilabas nitong Martes ng probinsya, sinabi ni Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) officer Rhodyn Luchinvar Oro na ang halaga ay ipinagkaloob sa mga local government units (LGUs) sa pamamagitan ng Resolution 6.
Ang mga probinsya ng Maguindanao at Antique at ang bayan ng Kalibo sa Aklan ang benipisyaryo ng tulong na ito mula probinsya na nagkakahalaga ng P2, 000, 000 cash kung saan ayon pa kay Oro, umabot sa milyon-milyon ang naging danyos sa kanilang agrikultura at imprastraktura.
Dagdag pa niya, naging inspirasyon ng probinsya ng Pangasinan ang determinasyon at lakas ng mga residente sa mga apektadong lugar sa kabila ng kalamidad na kanilang pinagdaanan.
Samantala, personal na iniabot ni Oro ang tulong pinansyal sa mga kinatawan ng mga nabanggit na benepisyaryo kung saan labis-labis umano ang pasasalamat ng mga ito sa natanggap nilang tulong na makakatulong din sa kanilang muling pagbangon. |ifmdagupan
Facebook Comments