Probinsya ng Aurora, Nakaalerto na sa Posibleng Paghagupit ng Bagyong Rolly

Cauayan City, Isabela- Nakaalerto na ngayon ang Probinsya ng Aurora sa epekto ng Bagyong Rolly na inaasahang tatama sa Central Luzon sa darating na linggo ng gabi.

Ayon kay Engr. Elson Egargue, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer, nagpaabiso na sila sa lahat ng disaster team sa mga bayan sa probinsya sa posibleng epekto ng bagyo.

Sinabi pa ni Egargue na may ilang pinsala naman sa imprastraktura gaya ng flood control project sa bayan ng San Luis ang nasira bunsod ng nagdaang Bagyong Quinta pero inaayos na ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Sa kasalukuyan ay may inihanda ng suplay ng pagkain ang lokal na pamahalaan na magagamit ng mga residenteng posibleng ilikas sa magiging epekto ng bagyo

Sa ngayon ay nakakaranas na maulap na kalangitan at bahagyang pag-uulan ang buong lalawigan.

Facebook Comments