Kahon-kahong mga paputok na ipinuslit patungong Samar, nakumpiska ng PCG

57
COURTESY: PHILIPPINE COAST GUARD

Kinumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong kahon ng mga paputok kabilang na ang mga Piccolo na ilegal na ibiniyahe patungong Northern Samar lulan ng ten-wheeler van na isinakay naman sa barko.

Ang naturang shipment ay nagkakahalaga ng ₱81,000.


Ayon sa driver at dalawang cargo helper, inutusan lamang sila ng may-ari ng van na i-pick up ang mga kahon sa Calamba, Laguna at i-deliver sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Anila, hindi ipinaalam sa kanila kung ano ang laman ng mga kahon at binigyan lamang sila ng contact number na tatawagan sa oras na makarating sa kanilang destinasyon.

Pagkatapos ng imbestigasyon, pinayagang makabiyahe pabalik ng Maynila ang tatlong indibidwal gamit ang ten-wheeler van, habang naiwan sa pangangalaga ng Coast Guard Station – Northern Samar ang nasabat na walong kahon ng paputok.

Facebook Comments