Probinsya ng Batangas – isinailalim na sa State of Calamity matapos ang magnitude 5.5 na lindol

Manila, Philippines – Isinailalim na sa State of Calamityang buong probinsya ng Batangas matapos ang pagtama ng 5.5 magnitude na lindolsa bayan ng Tingloy, Batangas kagabi.
  Ayon kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas – kasunod narin ito ng inisyal na pinsalang naitala sa nasabing lindol.
  Kabilang sa mga napinsala ng pagyanig ang Taal Basilica saTaal na nagtamo ng ‘minor damage’ habang inilikas naman ang mga pasyente sa BatangasRegional Hospital sa Batangas City dahil sa nakitang bitak sa gusali.
 
Aabot naman sa 18-million pesos ang inisyal na pinsala sagusali ng batangas provincial capitol.
  Nagdeklara na rin ng kanselasyon sa mga klase sa lahat ngantas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya ngayong araw upangbigyan daan ang pag-iinspeksyon ng mga gusali upang matiyak ang kaligtasan nalahat.
   

Facebook Comments