Publiko – pina-aalerto sa epekto ng mga nararanasang aftershocks sa Batangas at mga karatig na lugar kasunod ng pagtama ng magnitude 5.5 na lindol

119

Manila, Philippines – Patuloy ang mga aftershock nanararamdaman sa malaking bahagi ng Batangas at mga karatig na lugar, kasunod ngpagtama ng magnitude 5.5 na lindol.
  Sa interview ng RMN kay NDRRMC Spokesperson RominaMarasigan – kinumpirma nito na simula kaninang madaling araw, umabot na samahigit 40 – aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS kung saan aabot sa magnitude4.6 ang nairehistrong pinakamalakas.
  Dahil dito, patuloy ang paalala ng ahensya sa publiko namaging alerto sa posibleng epekto ng pagyanig.
  Sa kabila naman ng malakas na lindol, kinumpirma nimarasigan na walang naitalang nasawi at minor damage lamang ang naitala sanasabing lindol.

Facebook Comments