Probinsya ng Cagayan at Apayao, Isinailalim na sa ‘State of Calamity’

Cauayan City, Isabela- Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Cagayan bunsod ng nararanasang pag uulan na sanhi ng pagbaha partikular sa northern municipalities ng probinsya dulot ng Bagyong Quiel.

Kasabay ito ng deklarasyon na sa isinagawang ang special session ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw

Agad din na hiniling ni Gov. Manuel Mamba sa Provincial Board na agarang isailalim sa state of calamity ang Cagayan dahil sa nararanasang malawakang pagbaha dulot ng walang tigil na buhos ng ulan sa mga bayan ng Sta Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Gonzaga, Sta. Ana at Baggao.
Umabot na sa 4,760 pamilya o katumbas ng 20, 152 na indibidwal ang apektado ng nasabing pagbaha.


Sa ngayon ay nakakaranas ng matinding pinsala ang probinsya sa sektor ng agrikultura, imprastraktura at iba pa dulot ng pagbaha.

Samantala, isinailalim na rin  sa State of Calamity ang ang Probinsya ng Apayao dahil sa malawakang nararanasang pagbaha dulot ng walang tigil na buhos ng ulan dahil sa Bagyong Quiel.

Sa isinagawang session ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Remy Albano, inaprubahan ng mga miyembro ng panlalawigan ng apayao ang pagsasailalim sa probinsya na ‘state of calamity’

Matatandaang natabunan ng gumuhong lupa ang bahagy na tinutuluyan ni Board Member Mangalao at Cpl. Rommel Gumidam Jr. na dadalo sana sa isang pagtitipon habang natagpuan na rin ang bangkay ng isang magsasaka na napaulat na nawawala na kinilalang si James Carag.

Patuloy pa rin inaalam ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa lalawigan.

Facebook Comments