Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa kabuuang 565 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.
Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office ngayong araw.
Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, may naidagdag sa bilang na 128 sa loob lamang ng isang araw.
Mataas pa rin ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa Santiago City na pumalo sa 73; Echague 24, City of Ilagan 22, Cordon 5; Cauayan City, Dinapigue, Gamu, Naguilian na may tig-isang kaso ang naitala.
Sa bilang na 565, labing-anim (16) ay pawang mga Returning Overseas Filipino (ROFS), 21 ang Non-APOR, 57 ang mga Health Workers, 2 pulis at 469 ay kinabibilangan ng local at community transmission.
Samantala, mayroon namang naitalang 64 katao ang nakarekober sa nasabing sakit.
Muli namang hinihimok ang publiko na ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield at umiwas sa matataong lugar.