Cauayan City, Isabela- Nananatili sa kategoryang ‘minimal risk’ ang lalawigan ng Isabela matapos bumaba ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas na mga linggo.
Ito ang kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan sa ginanap na pulong sa kapitolyo kahapon, Enero 6, 2021.
Ayon kay Dr. Paguirigan, inaasahan na sa mga susunod na araw ay tataas ang bilang ng magpopositibo sa COVID-19 gayundin ang pagtaas ng kasong maitatala sa mga ospital tulad ng inaasahan ng mga eksperto.
Paglilinaw pa nito, wala pang nade-detect na kaso ng Omicron variant sa probinsya batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) region 2.
Pero, maghihintay pa rin ng resulta sa mga genome sequencing na ipinadala ng DOH sa Manila para sa pagsusuri.
Patuloy naman ang panawagan ni Governor Rodito Albano III sa lahat ng Isabeleños na magpabakuna kontra COVID-19.
Facebook Comments