Probinsya ng Isabela, Negatibo Pa rin sa Sakit na Bird Flu

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng Provincial Veterinary Office sa Lalawigan ng Isabela na wala pang kasong naitatala kaugnay sa H5N1 BirdFlu dahil na rin sa mahigpit na pagbabantay para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa mga alagang manok.

Ayon kay Provincial Veterinarian Angelo Naui ng Isabela, negatibo naman sa Cloacal Swab sample ang mga alagang manok malapit sa mga lugar kung saan nananatili ang mga wild bird mula sa ibang lugar na may dala ng nasabing virus.

Sinabi pa nito na mahigpit ang kanilang inilatag na hakbang para mapanatili ang hindi pagkakaroon ng virus sa mga manok, bibe at gansa at maiwasan ang pagpasa sa tao ng nasabing sakit.


Patuloy naman ang pagbibigay abiso sa publiko at paghikayat na makipagtulungan sa ahensya upang mabigyan ng aksyon at mapigilan ang hindi pagpasok ng nasabing virus.

Facebook Comments