Probinsya ng Isabela, pinarangalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas

Isabela – Pinarangalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang lalawigan ng Isabela sa isinagawang 14th awards ceremony and appreciation lunch for BSP stakeholders.

Tinanggap ni Isabela Governor Faustino Bogie Dy III, ang Kapit Bisig Award para sa provincial level.

Nakamit ang nasabing parangal dahil sa tamang paggamit ng pondo ng probinsiya.


Nakuha naman ng bayan ng Aurora, Isabela ang Kapit Bisig Award para sa municipal level, samantalang ang siyudad ng Santiago ay tinanghal na Outstanding CSF LGU Partner.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments