Napakarami rito sa ating probinsya ang mahuhusay na athletes at sports enthusiast na hindi nahuhuli sa pinakamalalalaking kompetisyon mapa-lokal hanggang international katulad na lamang sa mahigit na 120 LGU’s sa bansa, pang pito sa ranko ang Pangasinan sa Batang Pinoy.
Ayon kay Mr. Leo Arnaiz, head ng Provincial Sports Coordinator at Narciso Ramos Sports and Civic Center, isa sa tinitingala ngayon ng publiko ang ating probinsya dahil mas naglevel up sa 10/10 ang ating sports facilities kung kaya’t nais ng Philippine Football Association na dito gaganapin ang nasabing football championship.
Layunin nila na mas madevelop pa ang kaalaman pagdating sa technicalities at character development ng ating mga atleta dahil ito ay isa sa mahalagang kaugalian na dapat matutunan sa larangan ng sports.
Samantala, nakatakda ang paghost ng Pangasinan sa Philippine Football Federation sa buwan ng September at para sa Football Festival rin sa darating na Oktubre. Congratulations idols mula rito sa IFM DAGUPAN. |ifmnews
Facebook Comments