ANIM NA KATAO, PATAY, APAT SUGATAN SA BANGGAAN NG VAN AT TRUCK SA LA UNION

Ang masaya sanang pamamasyal ng magkakamag-anak sa La Union nauwi sa trahedya matapos sumalpok ang sinasakyan nilang van sa isang trailer truck.
Sinabi ni PMaj. Dominador Apostol, Chief of Police ng Bauang, La Union PS, na base sa mga saksi sa insidente, umagaw ng linya ang naturang van na sinasakyan ng sampung katao na namasyal sa Tondaligan Beach dito sa Dagupan City at pauwi na sana sa San Juan, La union.
Ayon pa sa pulisya, lumihis naman ang truck para maiwasan ang van ngunit nahagip pa rin ito ng van at nag-resulta sa malalang trahedya.

Dahil dito, nasawi ang anim na katao kabilang ang pinakabatang biktimang babae na walong taong gulang at nasa pagamutan naman ang apat na iba pang sakay ng van.
Sa ngayon naiuwi na ang mga labi ng apat na biktima sa Isabela habang nakaburol na sa La Union ang labi ng dalawa pa.
Nagtamo naman ng minor injuries ang driver ng truck at ang pahinante nito.
Sa ngayon, nagkaroon na ng areglo ang dalawang panig ukol sa naging trahedya.
Dahil sa insidente, nagpaalala ang awtoridad na sakaling wala sa wisyong mag-drive, i-kondisyon muna ang sarili para iwas disgrasya. |ifmnews
Facebook Comments