Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela at inaasahang tatanggap din ng Pfizer vaccines.
Ito ang ibinahagi ni Governor Dax Cua na kung saan ang probinsya ng Quirino ay isa lamang aniya sa mga lalawigan na maaaring tumanggap dahil sa kahandaan nito sa pag-provide ng cold chain storage na angkop sa pangangailangan ng Pfizer na -70 degrees celcius na freezer.
Inaasahan ani Gobernador ang pagdating ng mga bakuna gaya ng Astrazeneca, Sinovac, Pfizer at titingnan pa aniya kung tatanggap din ng Moderna at iba pang klase ng mga bakuna.
Nais din aniya ng pamahalaang panlalawigan na mabigyan ang mga mamamayan ng pagpipilian ngunit ipinaalala niyang may patakaran ang DOH na kung pauli-ulit nang tumanggi ang isang nasa priority list ay mailalagay na ito sa pinakahuling listahan.
Payo ng Gobernador sa mga pasok sa priority list na makipag-ugnayan sa RHU at maging tapat sa mga ibibigay na impormasyon hinggil sa kalusugan at sabihin kung ano ang napiling bakuna para matignan ng mga health worker kung angkop ang napiling bakuna sa kalagayang pangkalusugan.
Sa pinakahuling ulat ng Provincial Health Office (PHO), mayroon nang 8,324 doses na Sinovac ang dumating sa lalawigan at 610 doses ng Astrazeneca.