Pinapatanggal ni Senate President Tito Sotto III kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara ang sinasabing probisyon sa proposed 2021 national budget na magluluwag sa patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) sa procurement para sa automated elections.
Ayon kay Sotto, mapanganib ang nabanggit na probisyon na nagpapahintulot umano sa COMELEC na i-waive ang mga safeguards sa pagbili ng mga kagamitan para sa automated elections.
Sabi naman ni Senator Angara, malinaw ang direktiba ni SP Sotto na huwag hayaan o payagan ang anumang tangka na maisingit ang naturang probisyon.
Iginiit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na unconstitutional o labag sa saligang batas kung totoo ang nabanggit na probisyon at wala rin itong kinalaman sa budget.
Diin ni Drilon at ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, hindi maaring magpasok ng ganung klase ng probisyon sa pambansang budget dahil aamyendahan nito ang Procurement Act.