Job Order at contractual workers sa Manila City Hall, makakatanggap ng financial assistance sa lokal na pamahalaan

101

Pagkakalooban ng financial assistance ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga job order at contractual workers ng munisipyo.

Ito ay matapos lagdaan ni Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso ang ordinansa na nagbibigay ng cash aid sa mga manggagawa na may job order contract o contract of service bilang tulong ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Nasa P49.8 milyon ang inilaan ng Manila City Government para sa 8,000 contractual employees kung saan tig-P5,000 ang ayudang matatanggap ng mga ito.


Magmumula naman ang pondo para sa financial assistance sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) accounts ng executive budget ng Maynila ngayong taon.

Facebook Comments