Idineklara ng Korte Suprema bilang “unconstitutional” ang probisyon ng Bayanihan 2 Law at iba pang revenue circulars na nagpapataw ng 5% “franchise tax” sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Partikular na tinukoy ng Kataas-taasang Hukuman ang Section 11 (f) at (g) ng Bayanihan 2 Law.
Ayon sa Korte Suprema, nilabag nito ang “one subject, one title rule” ng Saligang Batas.
Sa Section 11, ipinapataw ang 5% franchise tax base sa “gross bets o turnovers” na kinikita ng mga POGO.
Nilinaw rin ng Korte Suprema na ang pagpapataw ng bagong buwis ay hindi masasabing parte ng “temporary COVID-19 relief measure.”
Idineklara ng Korte Suprema na “invalid” ang RR No. 30-2020 at RMC No. 64-2020 na inisyu para sa implementasyon ng Section 11 ng Bayanihan Law dahil sa kawalan ng legal na basehan.
Null and void na rin ang Revenue Memorandum Circular 102-2017 at Revenue Memorandum Circular 78-2018.