Probisyong nagpapataw ng buwis sa mga produktong petrolyo, pina-aalis sa tax reform bill ng Duterte administration

Manila, Philippines – Hiniling ni Navotas Rep. Toby Tiangco na alisin sa tax reform bill ng Duterte administration ang probisyon na nagpapataw ng excise tax sa mga itinuturing sensitibong produktong petrolyo kagaya ng LPG, kersone at diesel.

Iginiit ni Tiangco sa amyenda na kanyang ibinigay kay House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Carlo Cua na tanggalin ang probisyon na ito.

Ito ay kahit pa aniya sa ilalim ng nasabing panukala ginawang staggered ang pagpapataw ng anim na pisong excise tax sa produktong petrolyo.


Nabatid na sa kasalukuyan ay walang buwis na pinapataw sa LPG, kerosene at diesel.

Sa kabilang dako, nagpahayag din ng kanyang pagsuporta si Tiangco sa fuel marking.

Ang fuel marking ang siyang inaasahan na sasawata ng oil smuggling.
DZXL558

Facebook Comments