Manila, Philippines – Magiging problema ng Commission on Election (COMELEC) ang kakulangan nito ng budget at panahon kung ipipilit ang plebesito sa Mayo para sa isinusulong na Charter Change.
Ayon kay Senator Francis ‘Chiz’ Escudero – sa ngayon malabong magkaroon ng plebesito dahil wala namang pondo ang COMELEC para rito ngayong taon.
Aminado naman si COMELEC Commissioner Christian Robert Lim, aabutin ng anim na buwan ang preparasyon para sa plebesito.
Tumatagal kasi ng dalawa hanggang tatlong buwan ang pagsasagawa ng public bidding maliban na lang kung magbibigay ng exemption dito ang kongreso.
Una nang sinabi ni Senate President Koko Pimentel na suntok sa buwan ang isinusulong na plebesito sa mayo ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Facebook Comments