Problema sa basura, isa sa mga dahilan ng pagbaha sa Metro Manila ayon sa MMDA

Problema sa basura ang nakikitang dahilan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga nararanasang pagbaha sa Metro Manila ngayong tag-ulan.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni MMDA Flood Control Sewarage Management Office Dir. Baltazar Melgar na limang dump truck ng basura ang nakokolekta ng MMDA kada araw ngayong rainy season at may mga pumping station rin na nagbabara dahil sa naipon na basura.

Dahil dito, tuloy-tuloy ang paglilinis ng ahensya sa mga water waste at estero sa kamaynilaan.


Dagdag pa ni Melgar, hindi pa kumpleto ang drainage system sa Metro Manila at tuloy-tuloy rin ang kanilang pagsasaayos sa mga ito upang maiwasan ang pagbaha ngayong tag-ulan.

Samantala, umapela naman si Melgar sa publiko na itapon ang basura sa tamang lugar upang maiwasan ang mga pagbaha.

Facebook Comments