Problema sa communist insurgency, matatapos na sa loob ng dalawang taon ayon kay Pangulong Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos na sa loob ng dalawang taon ang problema ng bansa sa communist insurgency.

Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na matagumpay ang ginagawa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagsugpo sa mga rebeldeng komunista.

Kasunod nito, binatikos ng pangulo ang mga komunista na mas marami aniyang pinapatay na tao kumpara sa mga militar at pulis.


Inihalimbawa ng pangulo ang mga kapiran ng barangay na pinapaslang ng mga rebelde dahil sa hindi pagsunod sa kanilang mga gusto.

Iginiit din ni Pangulong Duterte na hindi na rebolusyon ang ginagawa ng mga new people’s army kundi panggugulo na lamang.

Facebook Comments