Problema sa digital banking sa bansa, solusyunan muna ng BSP bago atupagin ang pagpapalit sa disenyo ng mga banknote

Pinayuhan ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na unahin munang solusyunan ang problema sa digital banking system sa halip na atupagin ang pagpapalit ng disenyo ng mga Philippine banknotes.

Iginiit ni Brosas na dapat tiyakin muna ng BSP na may “eagle-eyed” anti-fraud mechanisms ang mga bangko upang masawata ang hacking at scam sa online banking na bumibiktima ngayon sa maraming Pilipino.

Mas mahalaga aniya na magkaroon ng “sharp detection” sa mga bank fraud at hacking para maprotektahan ang kliyente ng mga bangko kaysa palitan ang mga World War II martyr ng litrato ng Philippine eagle sa P1,000 banknote.


Ipinunto ng kongresista na nakakahiya sa panig ng BSP na nalusutan sila ng nangyaring scam kamakailan sa mga kliyente ng BDO.

Pinamamadali ng lady solon sa BSP at Anti-Money Laundering Council ang imbestigasyon dito habang pinalalakas naman ang data privacy act at security sa banking system sa bansa.

Bago pa man nangyari ang insidenteng ito, sinabi ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na nasa P1 billion halaga ng pera ng mga bank clients ang nawala dahil sa mga cybercriminal at digital fraudster ngayong taon lamang.

Facebook Comments