Problema Sa Insurhensya sa Dinapigue Isabela, May Hakbang na Ginagawa ang Kapulisan!

Dinapigue, Isabela – Mahigpit na koordinasyon sa kampo ng sundalo na malapit sa bayan ng Dinapigue ang ginagawa ng kapulisan sa lugar upang maresolba ang umanoy problema sa insurhensya.

Ayon kay Police Senior Inspector Clarence Labasan, hepe ng Dinapigue Police Station na maliban sa mga sundalo ay mahigpit rin umano ang pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay at mga mamamayan kung saan kaagad na ipinapaabot sa himpilan ng pulisya ang nakikita nilang taong labas sa kanilang mga lugar.

Kabilang din umano ang pakikiisa ng LGU’s sa PNP Dinapigue kung saan sa kanilang tulong umano ay nagkaroon na sila ng tatlong palapag na bagong himpilan.


Sinabi pa ni Police Senior Inspector Labasan na kampante na ang kapulisan sa kanilang seguridad dahil hindi na umano basta maliligalig o malusob ng kabilang grupo ang kanilang himpilan sa ngayon.

Matatandaan na dalawang beses nang naharas o nilusob ang naturang himpilan dahil sa hindi maayos na gusali ng PNP sa kabila na paboritong pasyalan umano ng kaliwang grupo ang Dinapigue dahil sa isa sa apat na coastal town ito ng lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments