Problema sa master list sa SAP, hindi dapat maulit sa master list ng vaccination program

Pinatitiyak ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na hindi na maranasan sa vaccination program ang mga isyu sa master list noong ipinatupad ang unang tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Magugunitang nagkaproblema noon sa pamamahagi ng ayuda dahil hindi nagkakatugma ang listahan ng nga benepisaryo ng national government at ng mga lokal na pamahalaan.

Mungkahi ni Go, dapat tukuyin na ng mga Local Government Units (LGUs) ang mga prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine habang ang national government naman ang magba-validate sa listahan.


Giit ni Go, kailangang magtagumpay ang implementasyon ng National Vaccine Roadmap dahil ito ang sandata para tuldukan ang pandemya at makabangon ang bansa.

Sa ngayon ay pinapakilos ni Go ang pamahalaan para magbigay ng tamang impormasyon sa publiko ukol sa bakuna.

Ayon kay Go, layunin nito na makuha ang kooperasyon ng sambayanan at mapanatag sila na ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 ang ibibigay ng gobyerno.

Facebook Comments