DOH, nakapagtala lamang ng 8 bagong namatay sa COVID-19 sa bansa

52

Walo lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Bunga nito, umaabot na ngayon sa 9,884 o 1.98% ang total deaths.


2,058 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 498,691.

Ang aktibong kaso naman ay tumaas sa 28,674 o 5.7%.

406 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 460,133 o 92.3%.

Nangunguna naman ngayon ang Cavite sa may pinakamaraming kaso sumunod ang Rizal, Leyte, Quezon City at Mountain Province.




Facebook Comments