Problema sa mga benepisyaryo ng SAP na hindi nakatanggap ng ayuda, natukoy na

321

Natukoy na ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang problema sa distribusyon ng cash-aid sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP).

Napag-alaman noong nakaraang pulong ni Mayor Toby Tiangco sa mga taga-Department of Social Welfare and Development- National Capital Region (DSWD-NCR) at kinatawan ng PayMaya na mali pala ang cellphone numbers ng ilang benepisyaryo sa payroll file.


Dahil dito’y kailangang isa-isahin ang numero ng mga nagrereklamong taga-Navotas para maipadala ulit sa DSWD ang file.

Tiniyak naman ni Tiangco sa mga kababayan na tatrabahuhin ng city hall ang pag-check ng mga numero para makuha ng mga residente ang ayuda.

Giit ng Alkalde, dapat lamang na maibigay sa karapat-dapat na mga benepisyaryo ang ayuda mula sa national government.

Facebook Comments