Problema sa mga VCMs, seryosong pinatutugunan sa COMELEC

Nananawagan ang grupong Gabriela sa Kamara na seryosong tugunan ng Commission on Elections o COMELEC ang mga reklamong may kaugnayan sa mga depektibong vote counting machines o VCMs.

Mababatid na nitong Mayo 9 ay libu-libong makina ang nagkaproblema na nagdulot ng mahabang pila at matagal na paghihintay ng mga botante.

Hirit ng Gabriela Partylist na seryosohin ng COMELEC ang pagresolba sa nasabing problema upang maiwasan na sa susunod na halalan.


Giit ng grupo, nakasalalay dito ang boto ng milyun-milyong mga Pilipino na maaaring makaapekto sa mga lugar na mabigat ang labanan sa halalan.

Apela pa ng Gabriela sa publiko na igiit ang kasagraduhan ng boto at ibulgar ang anumang uri ng maruming mekanismo sa naganap na halalan.

Facebook Comments