Problema sa MRT, tanggap na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na hindi lang puro paninisi ang kanilang ginagawa sa problema na kinakaharap ng MRT sa ngayon.

Ito ang sinabi ng Malacañangsa harap na rin ng naging pahayag ni Senador Grace Poe na hindi na dapat isinisisi ng administrasyong Duterte ang nakaraang Administrasyon sa issue ng MRT dahil mahigit isang taon na silang nakaupo sa posisyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tinatanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad para magkaroon ng malawakang reporma sa MRT para maibsan ang pasakit ng mga sumasakay dito.


Humihingi lang aniya sila ng panahon para maresolba ang problema at asahan din naman aniya ng napakadaming demandahan kaugnay sa kaso.

Binigyang diin ni Roque na hindi sila nagtuturo dahil sinasabi lang nila ang lahat ng naging problema ng MRT at yan ang pagpapalit ng maintenance provider ng MRT.

Facebook Comments