Ni-review ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang usapin ng right-of-way gayundin ang mga polisiya at programa, aquisition at iba pang legal concerns.
Layon nito na mas makatulong sa mga tinaguriang high-impact projects ng pamahalaan na “built, better, more program.”
Sa pagpupulong ng mga opisyal ng DPWH, lumalabas na pangunahing dahilan ng pagkaantala ng mga proyekto ay ang problema sa right-of-way.
Sa kabilang dako, makatutulong naman sa DPWH ang Infrastructure Right of Way Management Application (IROWMA) kung saan pinapayagan ang automation ng right-of-way documents.
Gayundin ang relokasyon ng mga poles na pag-aari ng electric cooperative, funding at claims ng may kinalaman sa certificates of ancestral domain titles at certificates of ancestral land titles.
Facebook Comments