GIANT CHRISTMAS TREE SA DAGUPAN CITY, PINAILAWAN NA

Ramdam na ng mga DagupeƱo ang paparating na kapaskuhan nang pailawan na ang Giant Christmas Tree sa harap ng City Plaza sa lungsod ng Dagupan, kahapon lamang, kasabay ang pagdiriwang ng kaarawan ni Sen. Imee Marcos.
Pinangunahan ang naganap na Christmas Lighting Ceremony nina Mayor Belen T. Fernandez at Sen. Marcos kasama ang bise-alkalde, at ilan pang kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Napuno naman ang plaza dahil na rin sa pagdagsa ng mga taong sumubaybay sa live concert na pinagbidahan ng The Voice Champion, Lyca Gairanod, ang Bandang Lapis at ng Ms. Q and A grand winner na sa Parizcova Segovia.

Samantala, naunang pinailawan ang Quintos Bridge na ikinatuwa naman ng mga DagupeƱong nakasaksi. |ifmnewsĀ 
Facebook Comments