Problema sa suplay ng malalaking itlog sa pamilihan, hindi dapat ikabahala ayon sa DA

Walang dapat ikabahala ang publiko sa problema sa suplay ng malalaking itlog sa pamilihan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi Agriculture Asec. Arnel de Mesa, na normal lamang ang mababang produksyon ng mga jumbo o malalaking sukat ng itlog tuwing tag-init.

Malaki aniya ang epekto ng mainit na panahon sa kalusugan at gana sa pagkain ng mga alagang manok kaya asahan na ang maliliit na sukat ng mga itlog, lalo sa mga poultry farm na open space o walang maayos na ventilation.


Gayunpaman, ayon kay De Mesa, ay mababa pa rin naman aniya ang presyo ng itlog sa mga palengke, at sapat ang kabuuang suplay ng mga medium at large na itlog sa buong bansa.

Facebook Comments