Tinatrabaho na ng pamahalaan ang solusyon sa problema sa supply ng kuryente sa Palawan.
Sa distribusyon ng presidential asssistance sa Puerto Princesa, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na batid niya ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Palawan.
Kaya naman nagsasagawa na aniya ng pag-aaral ang Maharlika Investment Corp., National Electrification Administration at Palawan Electric Cooperative na para mapabuti ang supply ng kuryente sa lalawigan.
Bagama’t hindi idinetalye, umaasa ang Pangulo na magkakaroon ng positibong bunga sa mga kasunduang pinapasok ng naturang mga ahensya.
Una rito, inanunsyo ni Maharlika Investment Corporation President and CEO Rafael Consing Jr. na mamumuhunan sila sa renewable energy lalo na sa transmission lines sa island provinces kung saan ang maliliit na kooperatiba ay hindi pa nakakabit sa main grid.