Pagadian, Philippines – Simula ngayong araw mahigpit na ipapatupad sa lungsod ng Pagadian ang presidential decree no. 17 o Revised Philippine Highway Act bilang tugon sa lumalalang problema ng trapiko sa lungsod.
Bahagi umano ito sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalan para maresolba ang problema sa trapiko sa Pagadian, partikular sa Rizal Avenue.
Nasa mahigit sa isang daan na traffic enforcers ang ipapakalat, sila ang sisita sa mga motorista na lalabag sa batas trapiko.
Sa panayam ng RMN, kay Pagadian City Traffic Divison Head Engr. Elmer Pranza, makakatulong din umano ang mas istriktong pagpapatupad ng pulisya sa mga batas-trapiko at pag-aalis ng mga nakaparadang sasakyan sa mga kalsada para mapaluwag ang trapiko.
Facebook Comments