Problema sa trapiko sa EDSA, hindi masu-solusyunan kung walang emergency power – Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang kanyang mga pangako maliban sa paglutas sa problema ng trapiko sa EDSA.

Sa kanyang talumpati sa Biñan, Laguna kagabi, ipinagmalaki ng Pangulo na ganap nang batas ang ilan sa kanyang mga pangako tulad ng libreng tuition at universal healthcare.

Maging ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng nagdaang administrasyon ay itinutuloy daw niya sa pamamagitan ng TRAIN law na kanya ring nilagdaan.


Gayunman, aminado si Pangulong Duterte na dismayado siya sa hindi masolusyonang problema sa trapiko ng bansa partikular sa EDSA.

Giit ng pangulo, kailangan niya ng emergency power para masolusyunan ang problema.

Gayunman, hindi ito maibigay sa kanya ng kongreso dahil sa pinalulutang na magagamit ito sa korapsyon.

Facebook Comments