Processed pork products, dapat bumaba ang presyo ayon sa DTI

Bunsod nang nilagdaang Executive Order no. 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda ng price ceiling sa presyo ng karneng baboy at manok sa Metro Manila sa loob ng 60 araw.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na dapat bumaba rin ang presyo ng ilang processed pork products tulad ng tocino at longganisa.

Ayon kay Castelo, kung ang raw materials na ginagamit sa paggawa ng processed pork products ay lokal ay otomatikong bababa rin dapat ang presyo nito dahil sa nasabing EO.


Pero kung imported aniya ang raw materials sa paggawa ng processed meat products ay wala dapat itong paggalaw sa presyo.

Sa nasabing EO ipinako sa P270 ang isang kilo ng kasim at pigue, P300 kada kilo ng liempo, at P160 kada kilo ng dressed chicken.

Facebook Comments