Cauayan City, Isabela- Nakatakdang magpatayo ng Multi-Fruit and Vegetable Processing Facility ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya partikular sa compound ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT).
Ang nasabing pasilidad ay nagkakahalaga ng P40Million pesos bilang bahagi ng isinusulong na modernisasyon ng Department of Agriculture upang matulungan ang mga magsasaka na kumita sa kanilang sinasaka.
Layon ng pasilidad na maiwasan ang pagtapon o pagkasayang ng mga aning gulay o prutas lalo na sa peak season o panahon ng anihan.
Ayon sa kay DA Sec William Dar, sa pamamagitan ng itatayong pasilidad ay mababawasan ang pagkalugi ng mga magsasaka, tataas ang kanilang produksyon at kita.
Makakatulong din ang Multi-Fruit and Vegetable Processing Facility para magkaroon ng trabaho ang mga residente sa lugar.