Proclamation ng mga nanalong partylist, pinasususpinde ng 4 na partylist group

Hiniling ng apat na party-list groups sa Commission on Elections (Comelec) na suspendihin ang canvassing ng mga boto para sa party-list.

Ang grupong: Append, Partido Lakas ng Masa, Murang Kuryente at Ang Nars ay pinatitigil sa poll body ang nakatakdang proklamasyon ng mga nanalong party-list hangga’t hindi nareresolba ang inakyat nilang mga isyu sa kanilang mga mosyon.

Partikular ang pagpalya ng ilang vote counting machines (VCM), sirang secure digital o SD cards, pagka-antala ng transmission ng election returns at ang pitong oras na glitch sa transparency server.


Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa ng Partido Lakas ng Masa – hinihiling nila sa poll body na bigyan sila ng access sa automated election system (AES) para masilip ang system at audit logs na na-transmit mula sa VCM at natanggap ng lahat ng server ng Comelec at third parties.

Sinabi naman ni Atty. Romel Bagares ng Append – kailangan ito upang mawala ang pagdududa sa resulta ng halalan.

Kasama rin sa kanilang mosyon na bigyan sila ng electronic copy ng Certificate of Canvass para sa lahat ng level ng canvassing and consolidation at statement of votes at ang certificate of Canvass para sa proclamation.

Facebook Comments