Manila, Philippines – Inilabas ngayon ng Malacañang ang Proclamation No. 319 na pirmado ni pangulong rodrigo duterte na nagdedeklara bukas, September 21, bilang National Day of Protest.
Ang deklarasyon ng pangulo ay bilang pakikiisa sa pagpapahayag ng sambayanan ng saloobin laban sa pag-abuso at pagkukulang ng pamahalaan at hangarin para sa isang gobyerno na may pinakamataas na antas ng integridad, serbisyo at accountability.
Kaugnay nito ay hinihikayat ng pangulo ang mga raliyista na kumilos ng naaayon sa batas, panatilihin ang kapayapaan sa mga gagawing demonstrasyon at maging mapagmatyag sa mga maaaring manggulo at mag-udyok ng galit laban sa mga pulis at iba pang law enforcement authorities.
Inaatasan naman ni Pangulong Duterte ang mga otoridad na magpatupad ng maximum restraint at dumistansya sa mga pagdarausang mga kilos-protesta.
Ito ay upang mapagbigyan ang karapatan ng mga raliyista sa pamamahayag alinsunod sa itinatakda ng batas.