Procurement law, dapat maamiyendahan para sa local manufacturers ng PPE – DTI

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na dapat maamiyendahan ang kasalukuyang procurement law para mabigyan ng tiyansa ang mga local manufacturers sa kanilang Personal Protective Equipment (PPE) na makipagkompitensya laban sa mga international brands.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, bagama’t hinikayat ang mga local manufacturers na pagtuunan ang PPE production noong nakaraang taon, hindi napapansin ang kanilang mga produkto dahil napapaboran pa rin ang mga internationally-made PPE.

Ang tanging magagawa lamang ng DTI ay tulungan ang mga local producers dahil ang Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ay hindi nagbibigay ng preference sa domestic production. Sa halip ay nagbibigay lamang ito ng patakaran sa pagbili o procurement.


Dapat maging malinaw sa batas na gawing preference ang local products kaysa imported products.

Isinusulong din ng DTI ang “Buy Local, Go Local” at makipagsabayan ang mga local manufacturers sa kanilang international counterparts.

Facebook Comments